-- Advertisements --
Vice Pres. Leni Robredo

KALIBO, Aklan – Inaabangan ngayon ng Liberal Party (LP) ang ipapatawag na pulong ni Pangulong Rodrigo Duterte kasama si Vice President Leni Robredo kaugnay sa magiging papel nito sa binuong Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD).

Ito ang sinabi ni Liberal Party vice president for external affairs Erin Tañada sa interview ng Bombo Radyo Kalibo matapos na tinanggap ng pangalawang pangulo ang pagkakatalaga sa kanya bilang co-chairperson ng nasabing komite.

Nangangamba ang LP official na posibleng gamitin lang umano si Robredo na panakip-butas sakaling mabigo ang war on drugs ni Duterte lalo pa at nalalapit na ang presidential elections.

Umapela rin ng dasal si Tañada na magampanan ng maayos ni Robredo ang trabaho dahil malaki umano ang laban sa anti-drug war campaign.