Kinumpirma ng oposisyon na Liberal Party na patuloy ang nilang kinumbinsi si dating Vice President Leni Robredo na tumakbo sa pagka senador sa susunod na taon.
Una nang napaulat na naghahanda na si Robredo sa pagtakbo bilang alkalde ng Naga City, Camarines Sur na dating pinamunuan ng kanyang yumaong asawa na si dating Interior Secretary Jesse Robredo.
Ayon kay LP President Albay Rep. Edcel Lagman, bagamat patuloy ang kanilang ginagawang effort ay irerespeto pa rin nila ang magiging desisyon ni Robredo.
Paliwanag ni Lagman , ang napipintong pagtakbo ni Robredo sa kanyang howntown ay upang ipagpatuloy ang mga programa ng kanyang yumaong asawa.
Samantala, patuloy naman ang LP sa paghahanap ng mga kakandidatong senador sa kanilang partido bagamat nilinaw nito na malabong makumpleto ang 12 seats dahil sa kanilang limitadong budget.
Pinabulaan rin ni Lagman ang akusasyon ni former senator Antonio Trillanes IV na ang mga pink forces ni Robredo umano ay bumubuo ng pakikipag-alyansa kay President Marcos Jr para matalo ang mga miyembro ng pamilya Duterte na nagpahayag ng interes sa paghawak ng posisyon sa senado.
Kung maaalala, kinumpirma ni Vice President Sara Duterte noong nakalipas na buwan na tatakbo ang kanyang ama na si dating presidente RRD, kanyang kapatid na sina Rep. Paolo Duterte at Mayor Sebastian Duterte ng Davao City sa pagka senador sa 2025 midterm election.