-- Advertisements --
kiko

Itinanggi ng Liberal Party (LP) ang pagkakaugnay umano ng kanilang hanay sa kumakalat na video ng isang alyas Bikoy na naninira sa pamilya ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay LP president Sen. Kiko Pangilinan, malinaw na divesionary tactic ng administrasyon ang mga akusasyon para ilihis ang atensyon ng publiko mula sa kapalpakan ng pamahalaan sa malalaking issue ng bansa ngayon.

Kabilang na ang umano’y pagnanakaw sa mga likas na yaman at kabang-bayan.

“Nililihis na naman ang usapan para hindi sila punahin sa mga kapalpakan at pagnanakaw na nangyayari sa ating likas-yaman at kabang-bayan,” ani Pangilinan.

Dumepensa rin ang ilang miyembro ng LP at nagsabing walang matibay na ebidensyang makapagdidiin sa oposisyon bilang nasa likod ng kontrobersyal na video.

Umaasa ang Liberal Party na magiging patas ang National Bureau of Investigation sa pag-iimbestiga sa kaso

Makahanap din daw sana ng sapat na batayan ang NBI.

“Walang ebidensya linking the LP. Again, we will deny that we had anything to do with the video that was circulated with regard to Bikoy,” ani Otso Diretso candidate Erin Tañada.

“Election time, character assassination time,” ayon naman kay Samira Gutoc.