-- Advertisements --
Screenshot 2019 05 21 12 13 25
IMAGE | Sen. Kiko Pangilinan/Photo by Senate PRIB

MANILA – Suportado ng Liberal Party (LP) ang posisyon ni Vice President Leni Robredo na isa lang dapat ang maging kandidato ng oposisyon bilang pangulo sa susunod na halalan.

Si Robredo ang kasalukuyang chairperson ng partido.

Ayon sa presidente ng LP na si Sen. Francis “Kiko” Pangilinan, malaki ang posibilidad na manalo muli ang kandidato ng administrasyon kung marami ang mag-aagawan sa posisyon.

Kaya dapat daw ay magkaisa ang oposisyon ng gobyerno, at magkaroon ng isang kakatawan na haharap sa ipapambato ng administrasyon.

“The Vice President said that candidate will not necessarily be her. That in itself is lessons learned in 2016 and 2019,” ani Pangilinan sa panayam ng ANC.

Sa June 12, Araw ng Kalayaan, inaasahang ilalabas ng oppositioin coalition na 1Sambayan ang listahan ng mga kandidato na kanilang ie-endorso para sa 2021 elections.

Una nang sinabi ni Robredo na bukas siyang tumakbo bilang pangulo, pero wala pa siyang pinal na desisyon ukol dito.