-- Advertisements --

Posibleng makaapekto sa Pilipinas ang isang low pressure area(LPA), dalawang bagyo, at anim na iba pang weather system bago matapos ang Disyembre.

Ayon sa Department of Science and Technology(DOST), kabilang sa anim na weather system ay ang Hanging Amihan na patuloy na nakaka-apekto sa Northern Luzon, Easterliesn na nakaka-apekto sa malaking bahagi ng NCR at iba pang bahagi ng bansa, kasama na ang inter-tropical convergence zone, frontal system, shear line at localized thunderstorms.

Sa kalagitnaan ng buwan ay maaari umanong maranasan ang LPA, habang ang dalawang bagyo ay posibleng ang mga panghuling bagyo nang maranasan ngayong taon.

Ang mga naturang weather system ay sa kabila pa ng nagpapatuloy na banta ng El Nino kung saan 18 probinysa sa Luzon ang inaasahang makakaranas ng dry spell, habang anim na iba pa ay makakaranas naman ng dry condition.

Maaaring maranasan ang mainit na temperatura sa malaking bahagi ng bansa sa kabuuan ng buwan.

Gayonpaman, maaari pa rin umanong maranasan ang biglaang pagbaba sa temperatura, lalo na sa kasagsagan ng epekto ng Hanging Amihan.