-- Advertisements --
Uulanin pa rin ang ilang parte ng Visayas at Mindanao ngayong maghapon dahil sa extension ng isang low pressure area (LPA).
Huling namataan ang LPA sa layong 520 kilometro sa silangan timog silangan ng General Santos City.
Sa ngayon, maliit pa ang tyansa nitong lumakas bilang panibagong bagyo.
Gayunman, dapat umanong paghandaan ang posibleng pagbaha at pagguho ng lupa sa mga mabababang lugar.
Ang Metro Manila naman ay magiging maalinsangan, subalit maaaring magkaroon ng isolated thunderstorms sa dakong hapon at gabi.