-- Advertisements --

Makakaranas ng kalat-kalat na pag-ulan ang malaking bahagi ng bansa ngayong unang Linggo sa buwan ng Abril.

Sa latest bulletin ng PAGASA (Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration), ito ay dulot ng intertropical convergence zone (ITCZ) o ang nagsasalubong na hangin na may dalang makapal na ulap.

Maliban sa ITCZ, magpapaulan din sa bansa ang namataang low pressure area (LPA) bagama’t nasa labas pa ito ng Philippine area of responsibility (PAR).

Huling namataan ang nasabing LPA o masamang lagay ng panahon sa layong 1,780 kilometro sa silangan ng Mindanao at inaasahang papasok bukas, Lunes.

Gayunman, mababa lamang umano ang tiyansa na mabuo ito bilang bagyo.