-- Advertisements --

Pinayuhan ng Pagasa ang mga residente ng Visayas at Mindanao na paghandaan ang ulang dala ng isang low pressure area (LPA) na nasa silangan ng Caraga region.

Huli itong namataan sa layong 580 km sa silangan timog silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.

Sa ngayon, maliit ang tyansa nitong lumakas bilang bagong bagyo.

Samantala, magdadala naman ng maulap hanggang may paminsan-minsang ulan sa Luzon ang easterlies at northeast monsoon.