-- Advertisements --

Magdadala ng mga kalat-kalat na pag-ulan sa Visayas at ibang parte ng Luzon ang binabantayang low pressure area (LPA) sa silangan ng Catanduanes.

Ayon sa PAGASA, magkakaroon ng maulat na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms dulot ng LPA sa Visayas, MIMAROPA, Bicol Region at lalawigan ng Quezon.

Pinag-iingat din ng weather bureau ang mga residente sa nasabing mga lugar sa flash flood o landslide na posibleng maranasan.

Habang ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay makararanas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rain showers bunsod ng localized thunderstorms.

Sa pinakahuling datos mula sa PAGASA, huling namataan ang LPA sa layong 345 kms silangan ng Virac, Catanduanes.