-- Advertisements --
Isa ng ganap na bagyo ang Low Pressure Area (LPA) na nakita sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Ayon sa PAGASA , namataan ito sa may 2,165 kilometro ng silangan ng timogsilangan ng Luzon at malapit sa PAR.
Mayroong taglay ito na hangin na 45 km per hour at pagbugso ng 55 kph.
Maaring lumakas pa ang nasabing bagyo sa hapon o gabi ng Lunes.
Ang nasabing bagyo ay walang direktang epekto sa bansa na inaasahan namang lalabas sa bansa ng umaga ng Miyerkules.