-- Advertisements --
Binabantayan ang dating tropical depression Querubin na naging low pressure area nitong nakalipas na araw.
Posible kasi itong muling bagyo sa loob ng linggong ito.
Gayunman, sa area ng Palawan na lamang ito posibleng maka-apekto at hindi na sa mainland.
Huling namataan ang LPA sa coastal waters ng Mahinog, Camiguin.
Habang shear line naman ang nakakaapekto sa eastern section ng Southern Luzon at Northeast Monsoon o amihan naman sa nalalabing bahagi ng Luzon.
Pinag-iingat pa rin ang pobliko sa mga biglaang buhos ng ulan sa dakong hapon at gabi.