-- Advertisements --

Malaki ang tsansa na tuluyang maging bagyo ang low pressure area.

Ayon sa PAGASA, na ang binabantayang LPA ay nakapasok na sa Philippine Area of Responsibility nitong alas-2 ng umaga ng Sabado.

Sakaling tuluyang maging bagyo ito ay papangalanan ito bilang “NIKA”.

Huling nakita ang LPA sa may 1,170 kilometers ng Southeastern Luzon.

Magugunitang nakalabas na sa PAR ang bagyong MARCE na may lakas ito na 155 kilometer per hour at pagbugso ng hanggang 190 kph.