-- Advertisements --
Lumaki pa ang tyansa na maging bagong bagyo ang binabantayang low pressure area (LPA) na malapit sa Pangasinan.
Ayon sa Pagasa, nasa loob na ito ng Philippine Area of Responsibility (PAR) kaya inaasahang makakaapekto sa bansa, kahit hindi direktang tatama sa lupa.
Huli itong namataan sa layong 380 kilometro sa Kanluran ng Dagupan City, Pangasinan.
Palalakasin ng sama ng panahon ang habagat na magdadala ng pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa.
Ngayong araw makararanas ng pag-ulan sa MIMAROPA at mga lalawigan ng Cavite, Batangas, Bataan at Zambales.
Kung magiging ganap na bagyo ang LPA, tatawagin itong tropical depression Hanna.