-- Advertisements --
Maliit ang tyansang maging bagong bagyo ng namataang low pressure area (LPA) sa silangan ng Southern Tagalog region.
Ayon sa Pagasa, namataan ang LPA sa layong 265 km sa silangan ng Infanta, Quezon.
Patuloy naman itong oobserbahan, dahil maaari pa ring magdulot ng pag-ulan sa weekend, kahit hindi maging bagyo.
Maliban dito, lumalakas naman ang northeast monsoon o hanging amihan na nakakaapekto na at nagdadala ng malamig na hangin sa malaking parte ng Luzon.