Namataan sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang isang low-pressure area (LPA) na may mababang tsansa na maging tropical depression, ayon sa state weather bureau.
Ayon sa state weather bureau, mababang tsansa na maging isang Tropical Depression ang mino-monitor na LPA sa labas ng PAR sa susunod na 24 oras.
Samantala, sa 4 p.m. bulletin, sinabi ng ahensya na ang Intertropical Convergence Zone (ITCZ) at easterlies ang inaasahang magdudulot ng maulap na kalangitan na may mga pag-ulan sa iba’t ibang bahagi ng bansa mula hapon hanggang gabi.
Nagbabala ang state weather bureau ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm sa Mindanao at Palawan dulot ng Intertropical Convergence Zone (ITCZ).
Inaasahan namang makararanas ng maulap na kalangitan na may pulupulong pag-ulan at thunderstorm dulot ng easterlies sa Metro Manila at ang nalalabing bahagi ng bansa.