-- Advertisements --

Tuluyan nang naging bagyo ang namataan ng Pagasa na low pressure area (LPA) sa silangan ng Aparri, Cagayan.

Ang tropica depression ay pinangalanang bagyong Florita.

Base sa Facebook post ng Pagasa, dakong alas-8:00 ng umaga naging tropical depression ang bagyo.

Ayon sa Pagasa, huling namataan ang bagyo sa layong 660 kilometers silangan ng Tuguegarao City.

Posible raw ang landfall nito sa Northern Luzon at magdadala ng pag-ulan sa mga susunod na araw.