-- Advertisements --

Naging ganap nang bagyo ang binabantayang low pressure area (LPA) na papalapit sa Pilipinas.

Ayon sa Pagasa, isa na itong tropical depression o mahinang uri ng bagyo.

Gayunman, maaari itong lumakas sa mga darating na araw habang nagbabanta sa Visayas at Mindanao.

Huling namataan ang sama ng panahon sa layong 1,080 km sa silangan ng Mindanao.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 45 kph at may pagbugsong 55 kph.

Kumikilos ang bagyo nang pakanluran sa napakabagal na pag-usad anumang oras ngayong araw ay papasok na ito sa Philippine area of responsibility (PAR) at bibigyan ng local name na Auring, na siyang magiging kauna-unahang bagyo para sa taong 2021.