-- Advertisements --
Binabantayan ngayon ng Pagasa ang isang low pressure area (LPA) sa silangan ng Northern Luzon.
Huling namataan ang LPA sa layong 485 km sa silangan ng Aparri, Cagayan.
Sa pagtaya ng weather bureau, maaari pa itong lumakas at makahatak ng hanging habagat.
Makulimlim hanggang sa may mga biglaang buhos ng ulan naman ang aasahan sa malaking parte ng bansa hanggang sa pagpasok ng susunod na linggo.