-- Advertisements --

Pinawi ng Pagasa ang pangamba ng publiko sa namataang low pressure area (LPA) sa silangan ng Bicol region.

Ayon kay forecaster Lorie dela Cruz ng Pagasa, maliit ang tyansa nitong maging bagong bagyo.

Malayo din umano ito sa lupa para magdulot ng direktang pinsala.

Huling namataan ang LPA sa layong 800 km sa silangan ng Legazpi City.

Inaasahang magtatagal pa ito sa loob ng Philippine area of responsibility (PAR) hanggang sa darating na weekend.