-- Advertisements --
Asahan pa rin ang mga biglaang buhos ng ulan sa Metro Manila, Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region, Aklan, Antique, Capiz, Basilan, Sulu at Tawi-Tawi dahil sa epekto ng low pressure area (LPA).
Ayon sa Pagasa, huling namataan ang namumuong sama ng panahon sa layong 140 km sa hilaga ng Puerto Princesa City, Palawan.
Pinag-iingat din ang mga sumasakay sa maliliit na sasakyang pandagat na pag-ibayuhin ang pag-iingat dahil sa paglaki ng mga alon.
Asahan din ang mga pag-ulan sa extreme Northern Luzon dahil sa umiiral na hanging amihan.