-- Advertisements --
Maliit pa rin ang tyansang maging bagyo ng namataang low pressure area (LPA) sa silangan ng Luzon.
Ayon sa Pagasa, huling namataan ang namumuong sama ng panahon sa layong 640 km silangan ng Casiguran, Aurora o 715 km sa silangan hilagang silangan ng Infanta Quezon.
Sa ngayon ay wala pang gaanong epekto ang LPA sa kalupaan ng ating bansa.
Samantala, asahan naman ang mga biglaang buhos ng ulan sa ibang bahagi ng bansa dahil sa localized thunderstorm.