-- Advertisements --
Walang na-monitor na Low Pressure Area (LPA) para sa tropical cyclone formation, ayon sa 4:00 am weather advisory ng state weather bureau.
Una nang sinabi ng ahensya na patuloy na makaaapekto ang shear line, intertropical convergence zone (ITCZ), at amihan sa malaking bahagi ng Pilipinas.
Magdadala ang shearline ng maulap na kalangitan at kalat-kalat na pag-ulan sa Mainland Cagayan, Aurora, Isabela, Quezon at Apayao.
Mararanasan din sa National Capital Region at iba pang bahagi ng Luzon ang panaka-nakang pag-ulan dahil sa localized thunderstorms.
Ngunit sa mga oras na ito ay walang na-monitor na LPA para sa tropical cyclone formation.