Patuloy pa ring binabantayan ng state weather bureau ang low pressure area (LPA) ng nasa labas parin ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa layong 1,050 km sa silangan- timog-silangan ng Luzon.
Ayon sa PAGASA, mataas ang tyansa na maging bagyo ito sa susunod na mga araw.
Inaasahang makakapasok ito sa PAR ngayong araw ng Linggo o umaga ng Lunes.
Batay sa weather forecast monitoring ng DOST-PAGASA, ang extension ng LPA ay nakakaapekto sa bansa na siyang nagbibigay ng maulap na papawirin at kalat-kalat na pag-ulan, pag-kidlat, at pag-kulog sa lugar ng Aurora, Quezon, Bicol Region, Northern Samar, Palawan, Zamboanga Peninsula, Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) at SOCSARGEN (South Cotabato, Cotabato, Sultan Kudarat, Sarangani and General Santos City).
Pinag-iingat naman ang mga nakatira sa flood prone at landslide prone area sa mga banta ng pagbaha at pag-guho ng lupa.
Asahan naman sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ang maulap na papawirin at ilang mga localized thunderstorm.
Naglabas naman ang 12 hour rainfall update ang DOST-PAGASA, para sa mga rehiyon na magkakaroon ng epekto sa LPA sa North Cotabato, Maguindanao, Tawi-Tawi, Sulu, Basilan, Lanao del Sur, Quezon Laguna, Rizal, Catanduanes, Camarines Sur, Cmarines Norte, Sorsogon, Masbate, Albay, Eastern Samar, Northern Samar, Leyte, Southern Leyte, Samar, Biliran, Zamboanga del Sur, Zamboanga del Norte, Zamboanga Sibugay, Davao Occidental, Davao del Sur, Davao Oriental, Davao de Oro, Sarangani, South COtabato, at Sultan Kudarat ang ilang mga pagulan hanggang sa katamtaman na pag-ulan at pag-kidlat.
Pinag-iingat ang mga tao na malapit sa bulubundukin dahil sa banta ng pag-guho ng lupa.