-- Advertisements --
Aasahan simula ngayong araw ng Linggo ang magandang lagay ng panahon.
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ito’y matapos ma-dissipate o tuluyang nalusaw ang namataang low pressure area (LPA) sa bahagi ng Palawan.
Sa weather advisory ng PAGASA kaninang madaling araw, ang high pressure area ang magdudulot ng generally fair weather sa bansa.
Gayunman, posible pa rin daw ang localized thunderstorms na magdadala ng biglaang pag-ulan partikular sa hapon at gabi.