-- Advertisements --
Itinaas na sa tropical depression (TD) category ng Japan Meteorological Agency (JMA) ang low pressure area (LPA) sa silangan ng Bicol region.
Ang TD category ay nangangahulugan na ito ay isa nang mahinang bagyo.
Ayon naman kay Pagasa forecaster Gener Quitlong, sa kanilang data ay maituturing na itong active LPA.
Huling namataan ang sentro ng namumuong sama ng panahon sa layong 975 km silangan ng Virac, Catanduanes.
Sa ngayon ay nakakaapekto na sa Southern Luzon, Visayas at Mindanao ang outer rainband at extension ng LPA.
Habang sa Metro Manila at mga karatig na lugar naman ay habagat pa rin ang siyang nagdadala ng ulan.