-- Advertisements --
Ganap nang naging bagyo ang binabantayang low pressure area (LPA) sa silangan ng Bicol region.
Sa ulat ng Pagasa, binigyan ito ng local name na “Egay,” bilang ika-limang sama ng panahon ngayong 2019 na pumasok sa Philippine area of responsibility (PAR).
Taglay ng bagong bagyo ang lakas ng hangin na 45 kph at may pagbugsong 65 kph.
Kumikilos ito nang pahilaga, hilagang kanluran.
Dahil sa pagiging bagyo, inaasahang lalo pang lalakas ang paghatak nito sa hanging habagat na nanggagaling sa West Philippine Sea.
Partikular na makakaranas ng masamang lagay ng panahon ang Metro Manila, Ilocos, Calabarzon, Mimaropa, Zambales at Bataan, pati na ang Western Visayas.