-- Advertisements --
Ganap nang naging bagyo ang binabantayang low pressure area (LPA) sa labas ng Philippine area of responsibility (PAR).
Natukoy ang sentro ng tropical depression sa layong 2,005 km sa silangan hilagang silangan ng Extreme Northern Luzon.
Taglay nito ang lakas ng hangin na 55 kph at may pagbugsong 70 kph.
Sa nakalipas na mga oras ay halos hindi ito nagbabago ng posisyon.
Samantala, isa pang low pressure area ang nananatili sa loob ng PAR.
Huli itong namataan sa layong 575 km hilagang silangan ng Itbayat, Batanes.
Habang nakakaapekto naman ang habagat sa Central at Southern Luzon, pati na sa Visayas area.