-- Advertisements --
Hindi minamaliit ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) ang tsansa na lumakas pa at maging tropical depressioni ang binabantayang low pressure area (LPA) sa labas ng Philippine area of responsibility (PAR).
Ayon sa PAG-ASA na base sa kondisyon na ipinapakita ng nasabing LPA ay hindi malayong tuluyang maging bagyo ito.
Sinabi naman ni weather specialist Raymond Ordinario na maaaring sa susunod na linggo ay makapasok sa PAR ang binabantayang LPA.
Posible rin aniya na ang LPA ay siyang magiging senyales na ideklara na ng PAGASA ang tag-ulan sa bansa.