-- Advertisements --

Nagbabala ang Pagasa sa mga pag-ulang mararanasan sa Southern Luzon at Eastern Visayas dahil sa isang low pressure area (LPA).

Ayon kay Pagasa forecaster Benison Estareja, inaasahan nilang magiging ganap na bagyo ito sa darating na weekend.

Bibigyan ng ahensya ng local name na “Hanna” kapag umabot ang lakas sa 45 kph.

Huli itong namataan sa layong 460 kilometro sa silangan ng Catanduanes.

Inaasahang paiigtingin nito ang umiiral na habagat, na makakaapekto sa Metro Manila, Central Luzon at mga karatig na lugar.