-- Advertisements --

Isa nang Tropical Depression ang Low Pressure Area na binabantayan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) sa Silangan ng Mindanao.

Pinangalanan ang sama ng panahon na si Tropical Depression “Ambo” na natagpuan sa 565-kilometers, Silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.

Ayon sa Pagasa, inaasahang magdudulot ng mahina hanggang malakas na ang bagyo sa Timog at Kanlurang bahagi ng Mindanao.

Nag-abiso na ang ahensya sa mga residente ng Caraga, Davao at Soccsksargen region na maghanda sa inaasahang pagbaha sa mabababaw na lugar, at landslide.