-- Advertisements --

Lumakas pa ang low pressure area (LPA) sa Northern Luzon at ganap na itong naging bagyo.

Ayon kay Pagasa forecaster Ariel Rojas, binigyan nila ng local name na “Goring” ang bagong sama ng panahon.

Huli itong namataan sa layong 190 km hilaga hilagang kanluran ng Basco, Batanes.

Kumikilos ito nang pahilagang silangan sa bilis na 30 kph.

Taglay ni “Goring” ang lakas ng hangin na 45 kph malapit sa gitna at may pagbugsong 60 kph.

Dahil dito, nakataas na ang tropical cyclone signal number one sa Batanes.

Habang binabalaan naman ang iba pang lalawigan na maghanda sa mga pag-ulang dala ng hanging habagat.