-- Advertisements --
Tuluyan nang naging bagyo ang binabantayang low pressure area (LPA) sa silangan ng Northern Luzon.
Ayon sa Pagasa, kaninang hapon ito lumakas bilang tropical depression at binigyan ng local name na “Nimfa,” bilang ika-13 sama ng panahon sa loob ng Philippine area of responsibility (PAR).
Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 640 km sa silangan ng Basco, Batanes.
Taglay nito ang lakas ng hangin na 55 kph at may pagbugsong 70 kph.
Halos wala naman iyong gaanong pag-usad sa nakalipas na mga oras.
Samantala, isa pang LPA ang nagpapalakas din sa epekto ng habagat.
Huli itong namataan sa layong 95 km sa kanluran ng Iba, Zambales.