-- Advertisements --
Pinaghahanda ng Pagasa ang publiko sa posibleng paglakas ng low pressure area (LPA) sa silangan ng Bicol region bilang panibagong bagyo.
Ayon sa weather bureau, maaaring maging ganap itong tropical depression sa susunod na 48 oras.
Kung tuluyang mabubuo, bibigyan ito ng local name na “Ineng,” bilang ika-siyam na sama ng panahon para sa taong ito.
Maliit ang tyansa nitong tumama sa lupa, ngunit posibleng humatak ng habagat na magdadala ng ulan sa malaking parte ng ating bansa.
Huling namataan ang LPA sa layong 990 km silangan ng Catarman, Northern Samar o 1,025 km silangan ng Virac, Catanduanes.