-- Advertisements --
Umaabot na sa malaking bahagi ng Mindanao at ilang parte ng Visayas ang epekto ng binabantayang low pressure area (LPA).
Ayon sa Pagasa, huling namataan ang sentro ng LPA sa layong 580 km sa silangan ng Davao City.
Babala ng weather bureau, dapat mag-ingat ang mga nasa low lying areas dahil sa posibilidad ng pagbaha at pagguho ng lupa.
Maliit naman ang posibilidad nitong maging ganap na bagyo sa loob ng mga susunod na oras.
Samantala, hanging amihan naman ang nagdadala ng malamig na hangin sa Northern Luzon.