-- Advertisements --

Ganap nang naging bagyo ang binabantayang low pressure area (LPA) sa silangan ng Bicol region.

Binigyan ito ng Pagasa ng local name na “Jenny” bilang ika-10 sama ng panahon sa loob ng Philippine area of responsibility (PAR).

Sa pagtaya ng weather bureau, magla-landfall ito sa Northern Luzon sa mga susunod na araw.

Posibleng palakasin din nito ang umiiral na hanging habagat.