-- Advertisements --
Lalo pang lumaki ang tyansa ng low pressure area (LPA) sa silangan ng Pilipinas na maging ganap na bagyo.
Ayon kay Pagasa forecaster Meno Mendoza, huling namataan ang namumuong sama ng panahon sa layong 770 km sa silangan ng Guiuan, Eastern Samar.
Inaasahang magiging ganap itong bagyo sa loob ng 24 hanggang 48 oras.
Maaari umanong makaapekto ito sa Northern Luzon uli, kapag tuluyang nag-landfall.
Bibigyan ito ng Pagasa ng local name na “Jenny” bilang ika-10 bagyo kapag pumalo ang lakas sa 45 kph.
Samantala, nakakaapekto pa rin sa bansa ang mahinang habagat, ngunit posible pa rin ang mga pag-ulan, lalo na sa dakong hapon at gabi.