-- Advertisements --
Pinaigting pa Pagasa ang monitoring sa namumuong sama ng panahon sa silangan ng ating bansa, makaraang makapasok na ito sa Philippine area of responsibility (PAR).
Ayon kay Pagasa forecaster Ezra Bolquerin, huling namataan ang LPA sa layong 960 km sa silangan ng Guiuan, Eastern Samar.
Tinatayang lalakas pa ito sa loob ng mga susunod na araw at posibleng maging bagyo sa weekend.
Tatawagin itong tropical depression Egay kapag ganap na umabot sa tropical depression category.
Sa data ng Pagasa, lumalabas na may tyansa itong mag-landfall o direktang tumama sa Northern Luzon.
Palalakasin din nito ang hanging habagat, na inaasahang muling magdadala ng ulan sa malaking parte ng Luzon at Visayas.