-- Advertisements --
Naging bagyo na ang binabantayang low pressure area (LPA) sa silangan ng Pilipinas.
Ayon kay Pagasa forecaster Ezra Bulquerin, nasa tropical depression category na ito at inaasahang papasok sa Philippine area of responsibility (PAR) ngayong araw.
Bibigyan naman ito ng local name na “Marilyn” bilang ika-13 bagyo para sa taong 2019.
Huling namataan ang sentro ng sama ng panahon sa layong mahigit 1,000 km sa silangan ng Visayas.
May taglay itong lakas ng hangin na 45 kph at may pagbugsong 55 kph.
Halos wala naman itong gaanong paggalaw sa mga nakalipas na oras.