-- Advertisements --
Maaaring maghatid ng ulan sa mga susunod na araw ang low pressure area (LPA) na malapit sa Mindanao, ngayong ito ay nakapasok na sa Philippine area of responsibility (PAR).
Ayon sa Pagasa, posibleng magdulot ito ng baha at pagguho ng lupa ang nasabing weather disturbance formation.
Huli itong namataan sa layong 745 km sa silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur (7.3 °N,133.0 °E).
Pero lumiit na ang tyansa nitong maging bagyo habang papalapit sa lupa.
Samantala, hanging amihan naman ang nakakaapekto sa malaking parte ng Luzon, habang easterlies naman sa Visayas at Mindanao.