-- Advertisements --
Ganap nang naging bagyo ang binabantayang low pressure area (LPA) sa West Philippine Sea.
Batay sa ulat ng Pagasa, huling namataan ang naturang sama ng panahon sa layong 610 km sa kanluran timog kanluran ng Iba, Zambales.
May lakas itong 45 kph at may pagbugsong 55 kph.
Pero halos hindi ito gaanong umuusad sa nakalipas na mga oras.
Inaasahang magdadala ang bagyo ng ulan sa Central at Southern Luzon.