-- Advertisements --

Magpapatupad ng bahagyang pagtaas ang Liquified Petroleum Gas (LPG) sa unang araw ng Disyembre.

Ayon sa Department of Energy na mayroong P0.50 sa kada litro ang itataas ng mga LPG.

Katumbas P5.50 sa kada 11 kilograms ng household LPG.

Una ng sinabi ng DOE na asahan ang pagtaas ng presyo ng LPG tuwing buwan ng Disyembre dahil sa taas ng demand nito sa mga bansang may malamig na panahon.