-- Advertisements --

Magpapatupad ng bawas presyo ang mga kumpanya ng liquefied petroleum gas (LPG) sa buwan ng Abril.

Ayon sa kumpanyang Solane na ang kanilang LPG ay magbabawas ng P0.27 kada kilo o katumbas ng P2.97 sa kada 11 kilogram na tangke at ito ay magiging epektibo ng alas-6 ng umaga.

Habang ang Petron ay magbabawas ng P0.25 sa kada kilo o katumbas ng P2.75 sa kada 11 kg. na tangke na magiging epektibo ng 12:01 ng umaga.

Magugunitang ang dalawang kumpanya ay nagpatupad na ng rollback noong Marso 1 ngayong taon.