-- Advertisements --

Nagsimula na ang mga kumpanya ng liquefied petroleum gas (LPG) na magpatupad ng bawas presyo ngayong unang araw ng Marso.

Ayon sa mga kumpanyang Petron at Phoenix Petroleum Philippines na magbabawas sila ng P3.50 sa kada kilogram ng LPG.

Mayroong bawas naman na P1.95 sa kada litro ng Auto LPG.

Ang Solane naman ay may bawas na P3.45 sa kada kilos ng kanilang LPG.

Itinuturong dahilan ng bawas presyo ng mga LPG ay ang pagbaba ng international contract price ng LPG ngayong buwan.