-- Advertisements --
Magpapatupad ng malakihang dagdag presyo ang mga kumpanya ng liquefied petroleum gas (LPG) sa unang araw ng Oktubre.
Tinatayang nasa P5.00 hanggang P6.00 ang dagdag presyo ng kada kilo ng LPG o P55.00 hanggang P66.00 sa kada regular na tangke ng LPG.
Aabot na kasi sa $108 ang itinaas ng internatioanl contract price ng LPG na siyang pinakamataas sa loob ng 5 taon.
Ayon naman kay Arnel Ty ang pangulo ng Regasco na hindi nila kontrol ang presyo at posible sa Marso 2022 pa magababa ang presyo ng LPG.