-- Advertisements --

Nagpatupad na ng bawas presyo ang mga kumpanya ng liquefied petroleum gas (LPG) epektibo ngayong araw Mayo 1.

Ayon sa Petron mayroong P3.20 sa kada kilo ang ibabawas sa mga LPG o katumbas ng P35.20 sa kada 11 kgs. na tangke ng LPG.

Magbabawas din ang nasabing kumpanya ng P1.80 sa kada litro ng kanilang Auto LPG.

Mayroon namang P3.20 kada kilo ang ibinawas ng Phoenix Petroleum Philippines sa kanilang LPG habang P1.80 kada litro sa kanilang Auto LPG.

Nagbawas naman ang Solane ng P2.84 kada kilo sa kanlang LPG.