-- Advertisements --

Nagpatupad ng ikalawang taas presyo sa kanilang produkto ang mga kompaniya ng liquefied petroleum gas (LPG).

Simula ngayong araw Oktubre 8 ay mayroong P3.40 kada kilo ng LPG o dagdag na P37.40 sa kada regular na 11 kilos na tangke ng LPG.

Mayroon namang dagdag na P2.24 sa kada litro ang itataas ng auto LPG.

Itinuturing na ang sanhi ng pagtaas ay dahil sa international contract price ng LPG.

Magugunitang noong Oktubre 1 ay nagtaas na ang mga LPG companies ng P4.00 at P2.24 sa kada litro ng AutoLPG.