-- Advertisements --

Sinimulan na ng mga kompaniya ng langis ang kanilang dagdag presyo sa mga produktong petrolyo at liquefied petroleum gas (LPG) ngayong unang araw ng Hunyo.

Mayroong P0.40 ang itinaas sa kada litro ng diesel habang mayroong P0.80 naman ang oil price hike sa kada litro ng gasolina.

Umabot naman sa P0.25 ang itinaas sa kada litro ng kerosene.

Magpapatupad naman ng pagtaas ng P2.20 sa kada kilo ng LPG habang P1.25 sa kada litro ng auto LPG ang kompaniyang Petron.