-- Advertisements --

Nagsimula ng magtaas ang presyo ng liquefied petroleum gas (LPG) ngayong unang araw ng Hulyo.

Mayroong P5.20 sa kada kilo ng LPG ang itinaas.

Mayroon ding P2.90 naman sa kada litro ang itinaas sa auto LPG.

Isa sa rason ng nasabing pagtaas ay ang pag-iimbak ng langis ng US at China para sa nalalapit na taglamig.