-- Advertisements --

Nagsimula ng magpatupad ng taas presyo ang mga kumpanya ng iquefied petroleum gas (LPG).

Epektibo kaninang 12:01 ng umaga nitong unang araw ng Hulyo ay nagpatupad ng P0.55 sa kada kilo ng LPG o katumbas ng P6.05 sa kada 11 kgs. na tangke ng LPG.

Itinuturing dahilan ng pagtaas ay ang contract prices ng mga LPG ngayong buwan ng Hulyo.

Magugunitang noong Hunyo ay nagbawas ang presyo ng LPG ng P6.20 sa kada 11 kgs. na tangke.