-- Advertisements --
Nagsimulang ipinatupad ngayong araw ang bawas presyo ng liquefied petroleum gas (LPG).
Ayon sa LPG Marketers Association na magkakaroon ng P11 na bawas sa kada 11-kilogram na household LPG cylinder tank.
Isa sa mga dahilan aniya ng bawas presyo ay ang pagbawas ng Saudi Aramco prices ng hanggang $20.
Naniniwala din ang grupo na maaring sa buwan din ng Abril ay masusundan ng nasabing bawas presyo.